MANILA, Philippines — Sadyang kailangan na ang panukalang magkaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) dahil sa katatapos lang na bagyong Rolly, sinalanta nito ang Kabikulan na kung saan ay 16 ang nasawi bukod pa sa tatlong nawawala.
Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee dahil sa napakalakas na 295 hanggang 319 kilometro bawat oras na hangin ni Rolly na matindi ang iniwang pinsala.
Nagtamo ng pinakamaraming namatay ang Albay, na dati ay ipinagkakapuri ang “zero casualty” sa siyam na taong panunungkulan ni Salceda bilang gobernador nito hanggang 2017.
Nagawa ito sa pamamagitan ng estratehiya niyang “Preemptive Evacuation” kaya’t idineklara ng United Nations ang Albay bilang modelo nito sa “disaster risk reduction and climate change adaptation”.