P60 milyong smuggled na sigarilyo, naharang ng BOC
MANILA, Philippines — Naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) ang nasa P6 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo, kamakailan.
Batay sa ulat, ang mga naturang item ay inangkat ng Ocean World Enterprises noong Setyembre 30 at unang idineklara bilang iba’t ibang uri ng items gaya ng mga karton, furnitures at mga bag, at iba pa.
Sa beripikasyon, natuklasan naman na ang mga naturang container vans na binubuo ng 500 cases at 1,198 na mga kahon ay naglalaman pala ng mga smuggled cigarettes na mula sa China at tinatayang nagkakahalaga ng P60 milyon.
Kabuuang 11 shipment ang kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad dahil sa hinalang may kinalaman ito sa ilegal na importasyon ng mga sigarilyo.
Ang importer naman ng mga naturang items ay mahaharap sa kasong paglabag sa section 1400 in relation to section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin ng kasong paglabag sa Bureau of Internal Revenue (BIR) guidelines and regulations, at pertinent National Tobacco Authority (NTA) Memorandum.
Iginiit ng Port na ang pagpupuslit ng mga items gaya ng mga sigarilyo at iba pang illicit at regulated goods ay mahigpit na ipinagbabawal at may katapat na matinding kaparusahan sa ilalim ng batas.
- Latest