^

Police Metro

16 nasawi kay ‘Rolly’, 300 bahay natabunan ng lahar

Doris Franche - Pang-masa
16 nasawi kay ‘Rolly’, 300 bahay natabunan ng lahar
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol, nakilala ang mga namatay na sina Ligaya Olayta, Malou Sanchez Nota, Santiago delos Angeles Jr., 37, at Samuel Cervantes Manrique Jr., 5, pawang taga Guinobatan, Albay; Lenelyn Lodado, 50, Daraga, Albay at Luis Ubalde Jr., 48, ng Gigmoto, Catanduanes. Habang nawawala naman sina Elvie Cervantes Manrique, 50; Michaela Cervantes Manrique,18, ng San Francisco; at Dave Ongaria, ng Travesia sa Guinobatan, Albay.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 16 katao ang naiulat na namatay habang tatlo ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Albay at Catanduanes, kamakalawa.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol, nakilala ang mga namatay na sina Ligaya Olayta, Malou Sanchez Nota, Santiago delos Angeles Jr., 37, at Samuel Cervantes Manrique Jr., 5, pawang taga Guinobatan, Albay; Lenelyn Lodado, 50, Daraga, Albay at Luis Ubalde Jr., 48, ng Gigmoto, Catanduanes. Habang nawawala naman sina Elvie Cervantes Manrique, 50; Michaela Cervantes Manrique,18, ng San Francisco; at Dave Ongaria, ng Travesia sa Guinobatan, Albay.

Nakita naman sa OCD-led aerial survey ang mga winasak na bahay, infrastructure at agriculture ng bagyong Rolly nang unang landfall nito sa  bayan ng Bato.

Inamin ni  Albay Go­vernor Al Bichara na hin­di nila inaasahan ang pagragasa ng lahar sa gitna ng hagupit ng bagyong Rolly noong Lunes na naging dahilan ng pagkamatay ng ilang residente at paglubog ng 300 kabahayan sa lahar.

Inihayag naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot sa mahigit 2 milyong indibiduwal ang naapek­tuhan ng Super Typhoon Rolly nang manalasa ito sa 12  rehiyon sa bansa.

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang assessment upang matukoy ang pinsala ni Rolly na kung saan ay halos 80 percent ng mga poste ng kuryente ang nasira kaya matatagalang maibalik ang suplay ng elektrisidad sa lugar. - Joy Cantos, Jorge Hallare

BAGYONGROLLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with