MANILA, Philippines — Dahil sa bagyong Rolly ay nagpakawala kahapon ang Ipo Dam ng tubig.
Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrometeorology Division, nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ng pamunuan ng Ipo Dam ang water spilling operation dahil na rin sa malapit na nitong maabot ang maximum water level nito dala ng mga pag-ulan dulot ng bagyo.
Aabot umano sa 47 cubic meters per second ang approximate discharge ng tubig sa naturang dam.
Ayon sa PAGASA, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, ang antas ng tubig sa Ipo Dam ay umabot na ng 100.58 metro at maaari pa itong tumaas dahil sa bagyo, kaya’t nagpasya na silang magpakawala ng tubig.
Nabatid na ang normal high water level para sa Ipo Dam ay nakatakda lamang sa 101 metro.