Malacañang: Presyo ng mga pangunahing bilihin walang paggalaw
MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagsalakay ng Super Typhoon Rolly ay mananatiling stable at walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque base sa ulat na rin ng Department of Trade and Industry (DTI), sa idinadaos na briefing kasama ang iba pang concerned government officials hinggil sa paghahanda at impact mitigation ng tropical cyclone.
Nakasaad sa Section 6 ng RA 7581 o Price Act of 1992 na “prices of basic necessities in an area will be automatically frozen at their prevailing prices or placed under price control automatically if that area is proclaimed a disaster area of under a state of calamity,”
“Ang pakiusap ng presidente sa panahon ngayon ng aberya, sana bayanihan. Yung mga nagbebenta ng kailangan ng ating mga kababayan, sana huwag pagsamantalahan,” ayon kay Sec. Roque.
“Mino-monitor ang mga ito ng DTI para siguraduhin na masusunod ang suggested retail price,” dagdag na pahayag nito.
- Latest