Duterte nakatutok kay ‘Rolly’

MPD Mobile Force Battalio.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kahit nasa Davao City ay nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng bagyong Rolly.

Ayon kay Senador Bong Go, minomonitor nila ni Pangulong Duterte ang lagay ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.

Inatasan na aniya ng Pangulo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na maging alerto at maging handa sa pagresponde sa mga pangangailangan ng mga residente.

Halimbawa na aniya ang Department of Public Works and Highways na mangangasiwa sa kumpuni sa mga masisirang tulay at kalsada, ang Department of Energy para sa suplay ng kuryente, search and rescue operation at iba pa.

May mga nakahanda na aniyang relief at financial assistance ang Department of Social Welfare and Development.

Mahalaga aniya na matapos ang bagyo, nararapat na maibalik agad sa normal ang sitwasyon.

Pinatitiyak naman ni Go sa local government units na sapat ang mga evacuation center at nasusunod ang health protocols kontra COVID-19.

Ang pahayag ng Senador ay ginawa sa gitna ng pag-trending sa social media ng #NasaanAng Pangulo.

Show comments