MANILA, Philippines — Pumalo na sa apat ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Albay.
“Apat na. Sa ngayon, apat ‘yung accounted for. ‘Yung tatlo related sa ilog, nag-overflow, nawasak ‘yung dike at ‘yun ‘yung mga namatay,” ayon kay Governor Al Francis Bichara.
Isa sa mga biktima ay isang limang taong bata na inanod ng baha habang ang isa naman ay inanod ng lahar, at sa Polangui mayroon ding inanod sa ilog.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng clearing operation sa mga naging pinsala ni Rolly.
Kasama rito ang inspeksyon at assessment sa mga naging pinsala.Nakataas pa rin sa Signal No. 4 ang lugar.