Bagyong Rolly lalong lumakas
MANILA, Philippines — Habang patuloy ang pagkilos sa Philippine sea ay lalong lumakas ang bagyong Rolly na namataan alas-4:00 ng hapon sa layong 980 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Taglay ni Rolly ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 230 kilometro bawat oras.
Nakataas na ang Signal number 1 ng bagyo sa Catanduanes sa Luzon at ang mata ni Rolly ay inaasahang babagsak sa lupa sa buong Aurora-Quezon area sa Linggo ng gabi o sa Lunes ng umaga.
Lalakas din ang ulan sa buong Northern at Central Luzon at Bicol Region simula ngayong Sabado o sa araw ng Linggo.
- Latest