Imbestigahan ang Philippine envoy sa Brazil — Duterte
Sa pagmamaltrato sa Pinay na kasambahay…
MANILA, Philippines — Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang ambassador sa Brazil na nang abuso sa kanyang Pinay na kasambahay.
Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, dahil laging naninindigan ang pangulo para sa proteksyon at promosyon ng karapatang pantao at kapakanan ng bawat Filipino sa ibang bansa na responsibilidad din ng gobyerno.
Ayon pa kay Go, may sinumpaang tungkulin ang mga ambassador at dahil sa bigat ng alegasyon kay Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaya nagbigay na ng go signal si Duterte para imbestigahan ito base na rin sa rekomendasyon ng DFA.
Ang imbestigasyon ay salig sa batas partikular na sa Foreign Service Act of 1991 kung saan nakasaad na “The chief of mission who are commissioned by the President as ambassadors extraordinary and plenipotentiary shall not be investigated by the Board or separated from the service unless there is an express written directive from the President.”
Nangako naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na hindi niya kukunsintihin ang mga aksyon ng kanyang mga tauhan na taliwas sa kanilang mandato para protektahan ang karapatan at kapakanan ng overseas Filipino workers.- Malou Escudero
Related video:
- Latest