MANILA, Philippines — Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Cashean Timbal na nasa 12 mangingisda mula sa Catanduanes ang nawawala dahil sa bagyong Quinta.
Ang mga mangingisda na nawawala ay mula sa Barangay Pananogan, Bato; Barangay Cagdarao, Panganiban; at Barangay Poblacion District III, Gigmoto sa Catanduanes.
Samantala, tinataya namang nasa 2,475 pamilya o 9,235 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo na karamihan ay mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan (Mimaropa), Bicol Region, at Cordillera Administrative Region.
Kasalukuyan namang nasa evacuation center ang 1,503 pamilya o 5,704 indibidwal.
“(Some) 3,254 persons or 968 families were also evacuated but opted to stay in other places outside the flood, landslide, storm-surge, lahar-prone areas, usually with their other relatives,” punto ni Timbal.