^

Police Metro

Pahayag ni Pope Francis ‘di doktrina ng Simbahang Katoliko

Danilo Garcia - Pang-masa
Pahayag ni Pope Francis ‘di doktrina ng Simbahang Katoliko
Ito ang pahayag ni Fr. Francis Lucas, pa­ngulo ng Catholic Media Network at personal na opinyon lamang ni Pope Francis ang binitiwang pahayag at hindi pa isang opisyal na doktrina ng Vatican.
AFP Photo/Alberto Pizzoli

MANILA, Philippines — Hindi pa doktrina ng Simbahang Katoliko ang naging pahayag kamakailan ni Pope Francis kaugnay ng civil union ng same sex couples.

Ito ang pahayag ni Fr. Francis Lucas, pa­ngulo ng Catholic Media Network at personal na opinyon lamang ni Pope Francis ang binitiwang pahayag at hindi pa isang opisyal na doktrina ng Vatican.

Tinutukoy ni Lucas ang sinabi ng Santo Papa sa dokumentaryong “Francesco” na kaila­ngang magkaroon ng mga ‘civil union law’ ang mga bansa para mabigyan ng proteksyong legal ang ‘same sex’.

Matibay ang paninindigan umano ng Simbahang Katolika laban sa ‘same sex marriage’ ngunit iginagalang naman nila ang dignidad ng mga ‘homosexuals’. 

Maaaring maging bukas naman umano ang Simbahang Katoliko sa ‘same-sex civil unions’ lalo na sa usaping legal ngunit hindi ang pagkakasal sa simbahan.

POPE FRANCIS

SAME SEX MARRIAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with