Lahat ng prusisyon sa Maynila, bawal muna

Una nang nakipagpulong ang alkalde sa mga opisyal ng Simbahang Katoliko na sumang-ayon naman umano na huwag munang magdaos ng prusisyon ngunit wala pa ring pinal na desisyon ukol sa mga aktibidad para sa tradisyunal na Traslacion.
AFP/Ted Aljibe

Traslacion 2021 gagawing online…

MANILA, Philippines — “Huwag munang magsagawa ng anumang uri ng prusisyon sa siyudad habang umiiral pa rin ang pandemya.”

Ito ang pakiusap ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga Manilenyo tulad ng kapistahan ng Poon na Itim na Nazareno sa Enero 9 sa 2021.

Una nang nakipagpulong ang alkalde sa mga opisyal ng Simbahang Katoliko na sumang-ayon naman umano na huwag munang magdaos ng prusisyon ngunit wala pa ring pinal na desisyon ukol sa mga aktibidad para sa tradisyunal na Traslacion.

Muling magpupulong ang lokal na pamahalaan at ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo para pagplanuhan ang Traslacion 2021 kabilang ang paggamit ng teknolohiya sa online.

Una nang pinuna ang ginanap na prusisyon ng Poon ng Itim na Nazareno noong Setyembre ng mga deboto nito dahil sa mga pag­labag sa health protocols partikular ang pagbabawal sa mass gatherings at kawalan ng social distancing.

Show comments