MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos itong bugbugin ng ama na nainis dahil ayaw nitong kumain naganap sa loob ng kanilang bahay sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nasawi habang dinadala sa Taguig-Pateros District Hospital ay nakilalang si Johncel Pedriguez, residente ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig City.
Agad namang naaresto ang suspek na si Arnold Perdiguez, 28 at kinasuhan ng parricide at ikinatuwiran na dinidisiplina lang niya ang anak.
Sa imbestigasyon ng Taguig Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi nang tumatanggi umano ang bata sa mga subo habang pinapakain ng ama na ikinagalit ng ama at pinilit pang subuan bago pinagsusuntok sa ulo at katawan.
Bandang alas-4:34 ng madaling araw nang mapansin na ang kakaibang hitsura ng anak kaya isinugod ng mag-asawa sa nasabing ospital subalit hindi na umabot ng buhay.