Kapasidad ng pasahero sa MRT-3, tataas na ng 30%

“In this light, the MRT-3 will increase its maximum passenger capacity from the current 13% (51 pax per train car, 153 passengers per train set,) to 30% (124 pax per train car, 372 passengers per train set), starting on Monday, 19 October 2020,” anunsiyo ng MRT-3. “We will do this to help transport more people.”
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Naglabas kahapon ng abiso ang pa­munuan ng Me­tro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na tataas na ng hanggang 30 porsyento ang kapasidad ng mga pasahero na maaaring isakay ng kanilang tren simula bukas, Oktubre 19.

Nabatid na mula sa dating 13% ay magiging 30% na ang maximum passenger capacity ng kanilang mga tren.

“In this light, the MRT-3 will increase its maximum passenger capacity from the current 13% (51 pax per train car, 153 passengers per train set,) to 30% (124 pax per train car, 372 passengers per train set), starting on Monday, 19 October 2020,” anunsiyo ng MRT-3. “We will do this to help transport more people.”

Bilang karagdagan naman sa pagtaas ng train capacity, tiniyak ng MRT-3 na mas marami na silang tren na ide-deploy sa mainline na ngayon ay umaabot na sa hanggang 22-tren, kaya’t magiging mas maikli na ang paghihintay ng mga pasahero para makasakay.

Inaasahan ding mas bibilis ang travel time ng mga pasahero dahil dinagdagan ang train speed ng hanggang 40kph, mula sa dating 30kph ngayong Oktubre at pagsapit ng Nobyembre ay magiging hanggang 50kph na at 60kph naman sa Dis­yembre.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, patuloy nilang ipatutupad ang istriktong health at safety protocols sa loob ng tren upang makaiwas sa posibleng hawahan ng virus. 

Show comments