MANILA, Philippines — Upang mas mapasigla ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng banta ng COVID-19 ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagdaraos ng sales sa mga malls.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pero dapat sumunod sa guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang promotional events sa mga malls ay papayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).
Nagsabi na rin ang IATF sa mga local government units na huwag isama sa mga curfew ang mga manggagawa o mga authorized persons outside of residence (APOR).