Virus na dala higit 100K beses kesa pag-ubo…
MANILA, Philippines — Upang hindi kumalat ang sakit o virus ay muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) na huwag dumura sa mga pampublikong lugar.
Ito ay base sa pag-aaral ng Travel Medicine and Infectious Disease, ang viral load sa isang pagdura ay mas malaki ng 100,000 beses kaysa sa bilang ng virus na inilabas sa loob ng 18 oras sa isang araw na pag-ubo.
Kumakalat umano ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplets mula sa tao kaya pinayuhan ang publiko na huwag dumura kung saan-saan.
Kung hindi maiwasan ay maaring gumamit ng tissue at itapon ito ng maayos sa basurahan.
Ipinaala rin ng DOH na laging tandaan ang B.I.D.A. dahil ito ang may disiplina. B-Bawal ang walang mask at face shield, I-Isanitize ang mga kamay, D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.