^

Police Metro

Pagdura sa public places sobrang delikado-DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Pagdura sa public places sobrang delikado-DOH
Kumakalat umano ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplets mula sa tao kaya pinayuhan ang publiko na huwag dumura kung saan-saan.
Quezon City Local Government/File

Virus na dala higit 100K beses kesa pag-ubo…

MANILA, Philippines — Upang hindi kumalat ang sakit o virus ay muling nagpaalala ang Department of Health (DOH)  na huwag dumura sa mga pampublikong lugar.

Ito ay base sa pag-aaral ng Travel Medicine and Infectious Disease, ang viral load sa isang pagdura ay mas malaki ng 100,000 beses kaysa sa bilang ng virus na inilabas sa loob ng 18 oras sa isang araw na pag-ubo.

Kumakalat umano ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplets mula sa tao kaya pinayuhan ang publiko na huwag dumura kung saan-saan.

Kung hindi maiwasan ay maaring gumamit ng tissue at itapon ito ng maayos sa basurahan.

Ipinaala rin ng DOH na laging tandaan ang B.I.D.A. dahil ito ang may disiplina. B-Bawal ang walang mask at face shield, I-Isanitize ang mga kamay, D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.

 

 

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with