MANILA, Philippines — Naihalal bilang Chairman ng Committee on Accounts si presidential son at Deputy Speaker Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay ng rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa pagsisimula ng special session sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa P4.506 trilyong national budget ng pamahalaan ay ni-nominate ni Deputy Majority Leader at 4th District Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc ang batang Duterte sa nasabing posisyon.
Wala naman ni isa sa mga mambabatas ang tumutol sa nasabing nominasyon ni Bondoc na hahalili sa puwesto ni 8th District Cavite Rep. Abraham Tolentino.
Ang pagkakahalal sa presidential son ay matapos namang pormal na maratipikahan ang eleksiyon ng bagong House Speaker Lord Allan Velasco sa nominal voting sa plenaryo ng Kamara.
Puspusan na ang pagtatrabaho ni Rep. Duterte sa 18th Congress na siyang kinatutuwa ng nakararami. Nauna na itong kinaibigan ng mga nurses sa private sectors nang ihain ng mambabatas ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”