Hindi puwedeng ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month — Malacañang
MANILA, Philippines — Hindi maaaring ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa dahil naaayon ito sa batas.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hangga’t hindi inaamiyendahan ang batas tungkol sa pagbibigay ng 13th month pay ay dapat itong ipatupad.
Sa tanong kung maaaring magkaroon ng exemption sa pagbibigay ng nasabing bonus, sinabi ni Roque na ipapaubaya nila sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang usapin, pero hangga’t wala aniyang nababago sa batas ay hindi ito puwedeng ipagpaliban.
“Eh… pabayaan po nating pag-aralan ng DOLE. Pero sa aking tingin, hanggang magkaroon ng bagong batas ay baka hindi po iyan pupuwedeng ma-defer,” ani Roque.
Nauna rito, sinabi ng DOLE na pinag-aaralan nila ang panukala ng mga negosyanteng naapektuhan ng COVID-19 pandemic na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay.
Related video:
- Latest