Kamara may 2 speaker
Velasco iniluklok ng 186 kongresista...
MANILA, Philippines — Sa pagbubukas ng special session ngayong araw sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay may dalawang House Speaker ang uupo matapos na iluklok kahapon si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ng kanyang kaalyado sa botong 186 na ginanap sa labas ng Kamara.
Umapela kahapon si Velasco kay Cayetano sa mapayapang turnover sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang panawagan ay ginawa ni Velasco sa gitna na rin ng pagmamatigas ni Cayetano na kilalanin ang term-sharing agreement.
Hindi kikilalanin ng mayorya ng mga mambabatas si Velasco dahilan peke ang idinaos na sesyon sa pagtitipon at paghahalal dito ng kaniyang mga supporters.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, hindi dalawa ang Speaker ng Kamara at hindi siya napalitan sa puwesto dahilan labag sa batas at mapanganib na precedent ang ginawang hakbang ng mga pro-Velasco supporters.
Nabatid na planong magdaos ng sesyon ng mga Kongresistang kapanalig ni Velasco dakong alas-10 ng umaga ngayon (Oktubre 13) para ituloy ang deliberasyon sa P4.506 trilyong national budget ng pamahalaan.
Gayunman ang pro-Cayetano camp ay bandang alas- 3 naman ng hapon balak magsagawa ng sesyon base sa media advisory na ibinigay sa mga reporters sa Kongreso.
Binigyang diin ni Cayetano na malinaw ang marching orders ni Pangulong Duterte na isaayos ang budget at wala itong pakialam sa usapin ng Speakership kaya naman ito ang siyang gagawin ng Kamara sa sesyon ngayong araw, October 13 hanggang October 16.
- Latest