Bangka tumaob: 14 mangingisda nawawala

Sa salaysay ng dalawang nakaligtas na ma­ngi­ngisda na kinilalang sina Pedro Manalo Jr, 39; at Jerby Regala, 26 na inutusan sila ng kapitan nilang si Eddie Ariño na gamitin ang kanilang ‘service boat’ para humingi ng saklolo makaraang makaranas ng matinding problema sa gitna ng laot.
PCG/Released

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mailigtas ang 14 mangi­ngisda na sakay ng isang tumaob na fishing boat sa karagatan ng Infanta, Pangasinan.

Sa salaysay ng dalawang nakaligtas na ma­ngi­ngisda na kinilalang sina Pedro Manalo Jr, 39; at Jerby Regala, 26 na inutusan sila ng kapitan nilang si Eddie Ariño na gamitin ang kanilang ‘service boat’ para humingi ng saklolo makaraang makaranas ng matinding problema sa gitna ng laot.

Sa ulat mula kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, sakay ng F/B Aqua Princess ang 16 crew kabilang ang kapitan na si Ariño  at crew na sina Manalo at Regala.

Ngunit dahil sa sama ng panahon, nakarating lamang sa Infanta ang dalawa nitong Linggo ng umaga at diretsong iniulat ang nangyari sa kanila at mga kasamahan na naiwan sa bangka.

Sinabi ni PCG spokesman Commodore Armand Balilo na nagsasagawa na ngayon ng ‘search and rescue operation’ ang PCG District Northern Luzon katuwang ang Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng Pangasinan.

Umaasa pa rin ang PCG na matatagpuan na ligtas ang mga pasahero ng naturang bangka.

Show comments