Presyo ng agri-products sa Metro Manila tumaas
MANILA, Philippines — Tumaas ang presyo ng iba’t ibang agricultural products sa mga pamilihan o palengke sa Metro Manila dulot ng kakaunting suplay na dumarating buhat sa mga lalawigan.
Batay sa price monitoring reports ng Department of Agriculture’s (DA), ang prevailing prices para sa iba’t ibang uri ng bigas, karne at gulay ay mataas ang presyo noong September hanggang ngayong Oktubre. Sa 20 prutas at gulay, 11 dito ay may mataas na presyo tulad ng talong, kamatis, Baguio beans, pechay, pula at puting sibuyas, bawang, saging, papaya at mangga.
Ang kilo ng pulang sibuyas na dating P130 kada kilo ay naging P200 kada kilo. Ang pork ham ay tumaas ng 13 percent, at ang pork belly ay tumaas ng 15 percent dahil sa epekto ng African swine fever.
Ang galunggong ay naging P200 kada kilo mula sa dating P160 kayat mas pinaboran ng DA na mag-import nito habang ang whole chicken ay pumapalo sa P140 mula sa dating P130 kada kilo.
Ang imported special at premium rice naman ay tumaas ng P2 kada kilo habang P42 mula sa dating P40 kada kilo ang local regular milled rice.
- Latest