Sapat na suplay ng pagkain pinatitiyak sa DA
MANILA, Philippines — Humingi ng isang matibay at malawak na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at ng mga sektor ng agrikultura at food manufacturing upang matiyak ang produksiyon at suplay ng pagkain ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya dahil maraming manggagawa ang nahihirapan.
Sinabi ni Prof. Dindo Manhit, presidente ng Stratbase ADR Institute na walang patid na pagpapatupad ng mga programa at patuloy na pagsuporta ng Department of Agriculture (DA) ang higit na kailangan sa ngayon ng sektor ng agrikultura upang makasiguro na tuluy-tuloy lang ang dating ng pagkain at palaging may access ang mga mamamayan.
Lubhang apektado hindi lang ang suplay ng pagkain ng bansa kundi pati ang ilang milyong magsasaka, mangingisda, at manggagawa ng maliliit na negosyo dahil sa mga restriksiyon sa transportasyon at limitadong galaw ng mga tao dahil sa lockdown measures at takot sa panganib ng virus.
Kaya’t kailangang nakabase sa mga ebidensiya at datos ang paglikha at pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan upang matugunan ang suliranin sa hindi nagkakatugmang exportation at importation.
- Latest