Seniors atat nang mag-mall at mag-grocery

“We hope that the first portion of the day, puwede ibigay sa senior citizens. Kasi disinfected naman yung malls sa gabi and in the morning, if the senior citizens are allowed, then the chances or risks of them getting any disease is low,” paliwanag ni Quijano.
STAR/Miguel de Guzman, file

Umapela na payagang makapasok…

MANILA, Philippines — Umapela ang National Commission on Senior Citizens (NCSC) sa local government units at pamunuan ng mga mall at grocery stores na laanan ng oras ang senior citizens na payagan silang makapamili ng kanilang kailangan.

Iminungkahi ni NCSC chairman Franklin Quijano na ilaan ang oras na 9 a.m. hanggang 11 a.m. para sa mga senior.

“We hope that the first portion of the day, puwede ibigay sa senior citizens. Kasi disinfected naman yung malls sa gabi and in the morning, if the senior citizens are allowed, then the chances or risks of them getting any disease is low,” paliwanag ni Quijano.

“This is an appeal that we would like to give to all malls, groceries, and most especially the local government units.”

Marami aniyang senior citizens ang nag­rereklamo dahil sa hindi sila pinapahin­tulutang makapasok sa mga esta­blisimyento.

“Ang dami pong nag­rereklamo dahil ang senior citizen ay hindi pinapapasok sa mall, hindi pinapapasok sa mga grocery and sometimes they are not able to get their basic necessities,” lahad pa ni Quijano.

Show comments