Avigan trial posibleng simulan na
MANILA, Philippines — Posibleng masimulan na ngayong linggo ang clinical trial ng anti-flu drug na Avigan.
Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na sa kanyang virtual press briefing dahil napirmahan na ang kasunduan para sa clinical trial ng Avigan drug mula sa Japan na posibleng lunas laban sa COVID-19.
Kabilang aniya sa mga lumagda sa kasunduan ay sina Health Secretary Francisco Duque III, University of the Philippines Manila Chancellor, at iba pa.
Ayon kay Vergeire, may mga ilang bagay na lamang na kailangang ayusin para masimulan na ang clinical trial kabilang dito ang data base na importante sa gagawing clinical trial upang maisagawa na ito.
Matatandaan na inaasahan sanang masimulan ang trial sa Avigan nitong Setyembre ngunit nagkaroon ng delay sa ethics review sa ilang mga hospital na kalahok.
- Latest