Manila Water pinagtibay ang ‘adopt-an-estero’ program

Kasama rin sa ginanap na MOA signing ang paglagda sa updated usufruct agreement sa pagitan ng DENR at Manila Water para sa pagsasaayos at pag-upgrade ng East Avenue Sewage Treatment Plant sa lungsod ng Quezon. Saklaw sa pag-upgrade ang retrofitting ng pasilidad alinsunod sa DENR AO 2016-08 na pasado sa itinakdang pamantayan para sa biological nutrient removal sa treated effluent, pati na rin ang pagpapalawak ng sewerage network nito.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Upang maisakatuparan ang clean-up o paglilinis ng San Juan River at ng mga estero at tributaries nito ay pinangunahan ng Manila Water ang Adopt-an-Estero Memorandum of Agreement (MOA) Ceremonial Signing sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang iba’t ibang lokal na pamahalaan (LGUs) na kinabibilangan ng mga lungsod ng Quezon, San Juan at Mandaluyong.

Layon din ng programa na mapagtibay ang bawat pangako ng mga partner-agencies upang masolus­yunan ang problema sa kapaligiran lalung-lalo ang paglilinis ng mga ilog at iba pang dinadaluyan ng tubig.

Kasama rin sa ginanap na MOA signing ang paglagda sa updated usufruct agreement sa pagitan ng DENR at Manila Water para sa pagsasaayos at pag-upgrade ng East Avenue Sewage Treatment Plant sa lungsod ng Quezon. Saklaw sa pag-upgrade ang retrofitting ng pasilidad alinsunod sa DENR AO 2016-08 na pasado sa itinakdang pamantayan para sa biological nutrient removal sa treated effluent, pati na rin ang pagpapalawak ng sewerage network nito.

Matatandaan noong Enero 2020, ibinahagi ni DENR Secretary Roy Cimatu na isa sa layunin ng kagawaran ay linisin ang San Juan River na siya namang tinugunan ng Manila Water sa pamamagitan ng pagtataguyod ng programang Adopt-an-Estero na may kaakibat na mga technical at social solutions upang malinis ang mga estero at mga daluyan ng tubig.

Show comments