^

Police Metro

Pagtanggal ng curfew sa Metro Manila, pinag-aaralan na

Malou Escudero - Pang-masa
Pagtanggal ng curfew sa Metro Manila, pinag-aaralan na
Pero sa ngayon, iiral muna ang curfew maliban na lamang sa mga nasa food delivery services na pinapapayagang maka­biyahe ng 24 oras.
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagtanggal sa curfew na umiiral mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga para malimita­han ang galaw ng tao at makaiwas sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na tumatayong chairman ng Metro Manila Council na nasa agenda na nila sa pagpupulong sa susunod na linggo ang pagtanggal sa curfew.

Pero sa ngayon, iiral muna ang curfew maliban na lamang sa mga nasa food delivery services na pinapapayagang maka­biyahe ng 24 oras.

“Iyon pong ating curfew ay pinag-aaralan ‘yan na mapatanggal po iyong curfew. Sa susunod po na meeting namin, ‘yan po ang isa aming main agenda para mabuksan na po ‘yung economy natin,” pahayag ni Olivarez.

Titiyaking hindi makokompromiso ang mga health protocols sakaling tuluyang tanggalin ang curfew.

Sa ngayon, nasa ge­neral community quaran­tine (GCQ) pa ang Metro Manila kasama na ang Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City, at Iloilo City hanggang sa katapusan ng Oktubre.

COVID-19

CURFEW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with