Motorista binalaan sa pag-iimbak ng alcohol sa loob ng sasakyan

MANILA, Philippines — Makaraan ang isang aksidente ng pagsabog ng isang sasakyan na nag-viral sa social media ay nagbabala ang Food and Drugs Authority (FDA) sa mga motorista laban sa pag-iimbak ng mga bote ng alkohol sa loob ng kanilang sasakyan.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo na lahat ng alkohol ay maaaring magliyab lalo na sa mga kundisyon sa loob ng sasakyan.

Ang mga bote ng alkohol ay may nakalagay sa label nito na gabay na kailangang laging mahigpit ang pagkakasara nito at iimbak sa temparatura na hindi hihigit sa 30 degree Celsius.

Sa viral post, kita ang litrato ng isang Sedan na wasak ang salamin, nasira ang interior at upuan at isang sirang bote ng alkohol na tumapon ang mga laman.

Magugunita, simula nang mag-umpisa ang pandemya sa kaagahan ng taon, marami nang tao ang nag-imbak ng mga alkohol dahil sa isa ito sa pangunahing panlaban sa virus at marami rin ang mga motorista na naglalagay ng alkohol sa loob ng kanilang sasakyan na nakakalimutan nang tanggalin.

Show comments