MANILA, Philippines — Humirit ng dagdag-pasahe ang grupo ng provincial bus operators sa pagbubukas ng 12 ruta sa Setyembre 30.
Ayon sa grupong South Luzon Bus Operators, aapela sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dagdag-pasahe sa Lunes.
Giit ng operators at mga drayber nito, mawawalan ng kita ang mga papasada dahil 50 porsyento lamang ng kapasidad ng pasahero ang pinayagan ng ahensya.
Ito ay matapos ianunsyo ng LTFRB na walang taas-pasahe sa pagbubukas ng mga biyahe mula probinsya.
Ayon din sa LTFRB, 286 PUB lamang ang pinayagang bumiyahe mula sa Setyembre 30.
Hihiling din ang nasabing grupo na dagdag pa ang bilang ng mga bus at mga ruta nito.