Lifestyle check sa public officials pinatigil

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires na mula nang maupo siya sa tungkulin ay ipinatigil na niya ang pagsasagawa ng lifestyle check dahil sa matagal nang duda sa probisyon ng batas sa lifestyle check.
STAR/File

Hindi naman mapapatunayan ang pagiging korap-Ombudsman...

MANILA, Philippines — Dahil hindi naman nito mapapatuna­yan ang pagiging korap ng isang opisyales ng gobyerno kung kaya’t ipinatigil ni Ombudsman Samuel Martires  ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga public official.

Ayon kay Martires na mula nang maupo siya sa tungkulin ay ipinatigil na niya ang pagsasagawa ng lifestyle check dahil sa matagal nang duda sa probisyon ng batas sa lifestyle check.

Anya, mas nais niyang maamiyendahan ng Kongreso ang RA 6713 na nagpapatupad ng lifestyle check dahilan sa may ilang probisyon nito ay malabo at walang hulog sa logic.

“Bakit ko pinatigil? What is living beyond your means? Iyong kumikita ng P50,000 a month, lives in a small house, nakaipon, bumili ng BMW na promo, zero interest, kayang-kaya niya hulugan, is he living beyond his means? I don’t think so. What he has are distorted values and distorted priorities,” dagdag ni Martires.

Ang pahayag ay sinabi ni Martires tatlong linggo makaraang pagbawalan niya ang pag-access ng publiko sa statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga public officials na naisampa sa Ombudsman.

Niliwanag din nito na ang SALN ay hindi maa­ring magamit sa pagsasakdal sa kasong katiwalian.

Related video:

Show comments