P12.9 bilyong kailangan sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19
MANILA, Philippines — Inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng House Committee on Appropriations na nangangailangan ang pamahalaan ng P 12.9 bilyon para sa pagbili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We need P12.9 billion po, pero P2.5 billion po muna ang in-allocate namin kasi po ang scheme, puwede hong loan sa Landbank para makober ‘yung remaining budget requirement,” tugon ni Cabotaje sa pagkuwestiyon ni Appropriations Vice Chairman at Quirino Rep. Junie Cua.
Ayon kay Cabotaje, target nilang mabakunahan ang mga vulnerable sectors kabilang ang mga medical frontliners, barangay health workers, indigent group tulad ng mga senior citizens, maysakit at maging ang mga person with disabilities (PWDs).
Sa kasalukuyan, sinabi ni Cabotaje na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga suppliers na posibleng magbenta ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa oras na makapasa na ito sa regulatory standard ng Food and Drugs Administration (FDA).
- Latest