Kapag lumabag sa 1-meter distance rule…
MANILA, Philippines — “Kukumpiskahin ang lisensya ng mga drayber ng public utility vehicles (PUVs) na lalabag sa one-meter social distancing sa mga pasahero.”
Ito ang naging babala ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na kung saan tutubusin nila ang mga ito sa LTO.
Magkakaroon din aniya ng mga police marshall na magbabantay sa PUV sa mga terminal kung sumusunod ba sila sa minimum health protocols.
“Yes, our chief PNP Camilo Pancratius Cascolan directed our unit commanders in the field to have these marshalls inside the vehicle so it is being led actually by the Highway Patrol Group but of course, all other police station nationwide are doing this particularly in Metro Manila,” punto pa ni Eleazar.
“So random lang kasi ginagawa natin because we cannot check all these vehicles but the point is if ever that there is violation na makikita ng law enforcers inside the vehicle and even ang sasakyan sa mga terminal, the drivers will be cited.”