FDA sa publiko:Mag-ingat sa pagbili ng Chinese medicine brands
MANILA, Philippines — Naglabas ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng ilang brand ng Chinese Medicine na hindi rehistrado at hindi pinapayagang ibenta sa merkado.
Ipinagbabawal ang pagbili at paggamit ng Jinling Fast-Act Cold Capsules 10’s; at Wong Tai Chiu Medicine Fty. Ser Lee Tan 6’s; Japan Tengsu 0.5g/Tablet; Maca Tablets (Primary and Secondary packaging); Maca Capsule (Package insert) 3800mg; Improved Formula King 1800 mg Pills 5’s; Extra Strength Original Super-Herb Power 2017 Capsules 6’s; at Extra Strong Power Capsule 10’s; Snake Brand Snake Bones pills 20’s; at VIXA Skineal® Cream 15 g.
Samantala, ang tradisyunal na gamot sa pigsa na “Kuyo Para sa Pigsa” ay hindi rin dapat bilhin at gamitin.
Ang lahat ng mga nasabing produkto ay napatunayan sa isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang Otorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR) kaya hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad, kaligtasan at bisa nito.
Ang lahat ng establisyimento ay binalaang huwag mamahagi ng nasabing mga iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang otorisasyon, sapagkat may kaukulang parusa na ipatutupad.
- Latest