LSIs sa Western Visayas makakauwi na

MANILA, Philippines — Maaari nang magpauwi ng mga locally stranded individual sa Western Visayas pro­vinces tulad ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique, at Iloilo City matapos pansamantalang bawiin ang two-week travel moratorium sa rehiyon.

Sa ipinalabas na Re­solution No. 71 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) nakasaad dito ang temporary suspension ng moratorium sa pagpapauwi ng LSIs sa rehiyon.

Nauna na kasing nagpalabas ng kautusan ang IATF na pagpapatigil ng pagpapauwi ng mga balik-probinsyang residente sa Region IV, Iligan, at Lanao del Sur mula September 7 hanggang 21 base na rin sa hiling ng mga lokal na gobyerno.

Nakasaad din sa reso na nakaatang na sa kani-kanilang regional inter-agency task force ang pagpapatupad, pagpapalawig, at pagbawi ng moratorium sa pagpapauwi ng LSIs. Ipa­tutupad naman ito ng National Task Force.  

Show comments