PRRD: Face Shield ‘di masyadong epektibo vs COVID-19

Ang virus aniya ay maaaring makapaglakbay at tumagos sa pamamagitan ng face shield kahit pa sa enclosed space gaya ng sa air-conditioned vehicle.
Andy Zapata Jr., file

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangu­long Rodrigo Roa Duterte na isa uma­nong maling paniniwala na ang pagsusuot ng face shield sa public transportation ay maaaring makapagbigay ng full protection mula sa coronavirus disease 2019 infection.

Sa kanyang public address, Lunes ng gabi na ang face shield ay maaari lamang protektahan  ng isang tao mula sa  “direct hit” ng ubo mula sa taong may sakit.

Ang virus aniya ay maaaring makapaglakbay at tumagos sa pamamagitan ng face shield kahit pa sa enclosed space gaya ng sa air-conditioned vehicle.

“You know, you have to take into account physics. It’s an everyday equation for — for humanity, civilization, physics. Ang problema kasi nitong sabi na a shield, it’s a — we are talking of direct transmission, ‘yung there is a continuous and no gaps na papasok sa — tatama sa shield.. ang shield kasi would only protect you from a direct hit,” ayon kay Pangulong Duterte.

“But if you are riding in a bus na aircon or open… ‘yung pag-ubo ng tao tapos ‘yung hangin sa — you know ‘yung sa bus ‘pag pumasok na ‘yung hangin dito — because the wind will guide the — kung saan ‘yung virus. ‘Pag dito siya dumaan, madala niya. But somehow, that — itong face na ito, I think it’s a fallacy to say na it will protect you from — in every environment,” dagdag na pahayag nito.

Ang komentong ito ng Pangulo ukol sa paggamit ng face shield ay bunsod ng iba’t ibang pananaw ng ilan sa mga miyembro ng kanyang gabinete hinggil sa planong pagbabawas sa  physical distancing sa pagitan ng mga mananakay sa paggamit ng public transportation.

Ayon sa Pangulo, hihintayin niya ang magi­ging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa bagay na ito.

Show comments