Pagsasara ng mga sementeryo sa buong bansa sa Undas
Irerekomenda ng DOH…
MANILA, Philippines — Ipasara na rin ang lahat ng sementeryo sa buong bansa sa darating na Undas para makatiyak na hindi na lalong kumalat pa ang virus.
Ito ang irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious and Emerging Diseases (IATF) na makaraang irekomenda na ng mga Metro Mayors at ng Metro Manila Council para sa pagsasara ng mga sementeryo, pampubliko man o pribado, sa National Capital Region (NCR) sa Araw ng mga Santo (Nobyembre 1) at Araw ng mga Kaluluwa (Nobyembre 2).
“What or Metro Manila mayors did is good practice,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“So pag dumating yung panahon na yan maaaring makapagrecommend din tayo so it can be recommended across the country.”
Ikinatwiran ni Vergeire na karaniwan na siksikan ang mga tao sa loob ng mga sementeryo tuwing Undas na nais mapigilan ng DOH upang hindi na lalong magkahawahan ang publiko.
Una nang nagpatupad si Manila City Mayor Isko Moreno kung saan nasa kanilang lungsod ang dalawa sa pinakamalaking sementeryo sa bansa: ang Manila North at Manila South Cemetery.
Pinayuhan din ng DOH ang mga alkalde na ipahayag ng mas maaga ang pagsasara ng mga sementeryo sa kanilang mga nasasakupan para makabisita na sila sa mga mahal sa buhay ng mas maaga.
- Latest