MANILA, Philippines — Ipagpaliban muna ang cashless toll collection hanggang Enero 2021.
Ito ang panawagan ni Probinsyano party-list Representative Ronnie Ong dahil sa hindi masyadong maganda yung timing at mukhang nagmamadali na naman.
“We are not against automation, yung cashless, we are all for that. Pero November 2, medyo malapit siya,” aniya.
Nirekomenda rin ni Ong na gawing ‘all-in-one’ ang mga Radio Frequency Identification (RFID) upang hindi mahirapan ang mga motorista.
Matatandaang ipinag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade ang pag-required sa lahat ng tollways ng cashless system sa ilalim ng DOTr Order No. 2020-10 simula Nobyembre 2.