MANILA, Philippines — Simula kahapon hanggang Setyembre 18 ay tigil muna sa pagtanggap ng mga locally stranded individual (LSIs) ang lalawigan ng Ilocos Norte matapos aprubahan ng National Inter-Agency Task Force ang inilabas na public advisory ng provincial government.
Sinabi ng provincial government na kailangang itigil pansamantala ang pagpapapasok ng LSIs para bigyang pagkakataon na makapagpahinga ang frontliners dahil tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo.
Bukod dito, kailangan muna nilang magbawas ng mga nasa quarantine facilities bago magpapasok muli.
Dahil dito, humihingi ang provincial government ng pang-unawa sa LSIs at pati na rin sa kanilang mga pamilya.Hiningi din nila sa publiko ang patuloy na kooperasyon at pagsunod sa mga ipinatutupad na quarantine protocols para malabanan ang COVID-19.