MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1.6 milyon na halaga ng 988 piraso ng ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Clark.
Dumating sa naturang pantalan ang mga kargamento noong September 1,2020 na idineklarang “air humidifier” galing sa Milton Keynes, United Kingdom.
Nang isailalim sa masusing pagsusuri ay natuklasang mga ilegal na droga ang laman nito.
Agad isinailalim sa laboratory testing at chemical analysis ang mga tableta at nakumpirmang positibo ito sa Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o “ecstasy”.
Agad nagpalabas ng warrant of seizure sa mga kargamento at naiturn-over na ito sa PDEA.