DOTr ipapasilip sa publiko ang tunnel boring machines na gagamitin sa Metro Manila subway

Nauna ng sinimulan ang konstruksyon ng P393-B Metro Manila subway na itinuturing na ‘project of the century’ para sa Pilipinas. Inaasa­han ang partial operabi­lity nito sa taong 2022 at full operation sa 2025.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Transportation ang pagpapasilip sa aktwal na tunnel boring machines na gagamitin sa paggawa ng kauna-unahang subway sa Metro Manila.

Ayon kay Transport Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, ganap na alas-2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon makikita ito ng publiko sa facebook page ng DOTr.

Manggagaling anya sa bansang Japan ang live na video ng TBM na ipadadala sa Pilipinas.

Sabi ni Libiran, anim na TBM ang dadalhin sa Pilipinas para sa partial operability section ng Metro Manila Subway Project.

Nauna ng sinimulan ang konstruksyon ng P393-B Metro Manila subway na itinuturing na ‘project of the century’ para sa Pilipinas. Inaasa­han ang partial operabi­lity nito sa taong 2022 at full operation sa 2025.

Mayroong 35 kilo­metrong haba ang subway mula sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Kapag naging fully operational, magiging 40-minuto na lamang ang travel time mula Quezon City hanggang NAIA mula sa kasalukuyang mahigit dalawang oras.

Inaasahan ng DOTr na maseserbisyuhan nito sa initial operation ang 370,000 na mananakay kada araw.

Show comments