Bawal pa rin ang pag-import ng manok mula Brazil - DA

Ito ay dahil wala pang ulat mula sa Brazil Mi­nistry of Agriculture, Livestock and Supply (MAPA) at kailangang dokumento hinggil sa COVID-19 prevention at control procedures ng Brazilian factory workers tungkol sa chicken processing facilities.
Stock photo by William Moreland via Unsplash

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) na mananatiling ban ang pag-import ng Pilipinas ng produktong manok mula sa bansang Brazil.

Ito ay dahil wala pang ulat mula sa Brazil Mi­nistry of Agriculture, Livestock and Supply (MAPA) at kailangang dokumento hinggil sa COVID-19 prevention at control procedures ng Brazilian factory workers tungkol sa chicken processing facilities.

Ang pahayag ay nilinaw ng DA dahil sa ilang suhestyon ng ilang gov’t. agencies na alisin na ang ban sa Brazilian chicken.

Unang napaulat na pansamantalang ipinagbawal ng Pilipinas ang pag-import ng manok mula sa Brazil nang iulat ng China na may traces ng Covid-19 ang chicken products ng  Brazil.

Ang Brazil ang ikalawa sa may pinakamara­ming bilang ng kaso ng Covid-19 na nasa 3.2 milyon at mahigit 105,000 ang nasasawi.

Show comments