^

Police Metro

Duterte hinalikan ang pinangyarihan ng Jolo blast

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte hinalikan ang pinangyarihan ng Jolo blast
Ayon kay Lieutenant Colonel Rolando Mateo, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, matapos ang ilang minuto ay dumiretso si Duterte sa Camp Gen. Teodulo Bautista sa Barangay Bus-bus, Jolo, kung saan nagbigay ito ng mensahe sa mga sundalo.
Presidential Photo/Ace Morandante

MANILA, Philippines — Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “ground zero” sa Jolo, Sulu para damayan ang mga na­ging biktima ng kambal na pagsabog na nagresulta ng pagkamatay ng 15 katao at pagkasugat ng 75 iba pa noong nakaraang linggo.

Makikita sa larawan na ibinahagi ni Senador Bong Go si Pangulong Duterte na nakasuot ng face mask at hinalikan ang semento kung saan nangyari ang nasabing insidente.

Nag-alay din ang Pa­ngulo ng mga bulaklak sa site kung saan nangyari ang twin blasts noong Agosto 24.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rolando Mateo, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, matapos ang ilang minuto ay dumiretso si Duterte sa Camp Gen. Teodulo Bautista sa Barangay Bus-bus, Jolo, kung saan nagbigay ito ng mensahe sa mga sundalo.

Matapos naman ang inspirational talk nito ay pinuntahan ng pangulo ang Kuta Heneral Bautista hospital ay nagsabit ng medalya sa mga sugatang sundalo na nakaligtas sa madugong pagsabog.

“That’s why when I visited the blast and thank you for sharing with me the gesture lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least semento to where my soldiers and the countless and the num at saka ‘yung mga Tausug na walang ka their lives snuffed out for no reason at all,” ani Duterte sa kanyang talumpati.

Nagbigay rin ito ng medalya sa pamilya ng tatlong sundalong Tausug na nasawi sa pagsabog kabilang na ang isang police commando.

Sinabi naman ni Mateo na walang partikular na direktiba ang pangulo kung saan nagpasalamat lang ito sa mga sundalong nagsakripisyo ng kanilang buhay.

Wala rin umanong nabanggit si Duterte na kahit anung may kaugnayan sa pagdedeklara ng martial law sa Sulu, na una nang inirekomenda ng PNP at AFP.

JOLO BLAST

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with