^

Police Metro

‘Lagundi’ aprub na ng FDA sa clinical trials vs COVID-19

Malou Escudero - Pang-masa
âLagundiâ aprub na ng FDA sa clinical trials vs COVID-19
Ayon kay Secretary Fortunato de la Peña ng Department of Science and Technology, nagsi­mula na ang trials ng Lagundi kahapon sa tatlong quarantine facility na kinabibilangan ng Quezon Institute quarantine center, Sta. Ana Hospital at Philippine National Police NCR community quarantine center.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinimulan nang gamitin ang “Lagundi” sa clinical trials para sa mga pas­yenteng may COVID-19 matapos itong aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines.

Ayon kay Secretary Fortunato de la Peña ng Department of Science and Technology, nagsi­mula na ang trials ng Lagundi kahapon sa tatlong quarantine facility na kinabibilangan ng Quezon Institute quarantine center, Sta. Ana Hospital at Philippine National Police NCR community quarantine center.

“Iyon pong sa Lagundi, ang good news po ay naaprubahan na ng FDA ang clinical trials. So ito lang early this week po naaprubahan, so hopefully – hindi ko pa natsi-check ngayong araw na ito – ay nagsimula na,” ani dela Peña sa La­ging Handa press briefing kahapon.

Sinabi ni dela Peña na nasa 200 pasyente ang kasali sa paggamit ng Lagundi.

Samantala, sinabi ng kalihim na hindi pa lu­malabas ang approval ng FDA sa paggamit naman ng halamang “Tawa-Tawa” na pangangasiwaan ng UP Visayas.

Ipinaliwanag ni de la Peña na layunin nang paggamit ng mga halamang gamot na maibsan ang mga sintomas ng CO­VID-19 katulad ng ubo, lagnat at sakit ng lalamunan

Bukod sa Lagundi, isi­nasailalim na rin sa clinical trials ang VCO o virgin coconut oil laban sa COVID-19.

COVID-19

FDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with