^

Police Metro

3 mag-utol dedbol sa kinaing isda

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na naisalba ng mga doctor sa Parang Maguindanao District Hospital ang tatlong magkakapatid kabilang ang isang 4 na buwang sanggol, matapos umanong malason sa ki­naing ulam sa tanghalian sa Maguindanao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Sammer Mataya, 12; Fahad, 10; at Turon, 4 buwan gulang, pawang mga residente ng Brgy. Karim, Buldon, Maguindanao.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ang anim na iba pa.

Ayon kay Buldon Municipal Office (MHO) Officer Dr. Elly Eluna na bumili ng isdang tayang ang ina ng mga bata sa pamilihang bayan at kanilang inulam sa tanghalian.

Makalipas ang ilang oras ay nakakaranas na ito ng sakit ng tiyan, nagsusuka at nagtae hanggang sa masawi ang magkakapatid.

Sinabi ni Eluna na inaalam pa nila kung sa isdang tayang nalason ang mga biktima o sa ininom na tubig na humantong sa severe diarrhea.

Patuloy na nag-iim­bestiga ang MHO-Buldon at IPHO-Maguindanao sa naturang pangyayari.

ISDA

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with