CA ibinasura ang motion to travel ni Ressa
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing Motion to Travel ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa patungong Estados Unidos.
Sa kanyang “very urgent motion for permission to travel” sinabi ni Ressa na kailangang nasa US ito mula August 1 hanggang 31 dahil tatanggap ito ng parangal at may commitments ding aasikasuhin.
Kasama sa itinerary ni Ressa ang pagpunta sa Boston, Massachusetts matapos imbitahan ng executive producer of Frontline.
Dapat sanang lilipad si Ressa sa August 23 para tumanggap ng parangal sa August 24.
Nangako naman itong babalik ng bansa sa September at pumapayag itong maglagak ng travel bond na P100,000.
Hindi naman pinagbigyan ng CA ang mosyon ng nasabing media personality.
Matatandan na si Ressa kasama ang kanyang writer na si Reynaldo Santos Jr. ay nahatulan ng guilty sa sala ni Judge Rainelda Estacio- Montesa ng Manila Regional Trial Court noong June dahil sa kasong cyber libel dahilan para siya ay patawan ng parusa at hold departure order na naglilimita sa kanyang pagbiyahe sa ibang bansa.
- Latest