^

Police Metro

Metro Manila mayors nagkasundo sa unified curfew

Malou Escudero - Pang-masa
Metro Manila mayors nagkasundo sa unified curfew
Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque at ang nasabing tatlong siyudad na hindi muna makakasama sa unified curfew ay dahil kailangan pa nilang amiyendahan ang mga naipasang ordinansa.
Manila PIO/Released

Maliban sa Maynila, Muntinlupa at Pasig…

MANILA, Philippines — Napagkasunduan ng mga mayors sa Metro Manila maliban sa Maynila, Muntinlupa at Pasig ang pagpapatupad ng unified curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque at ang nasabing tatlong siyudad na hindi muna makakasama sa unified curfew ay dahil kailangan pa nilang amiyendahan ang mga naipasang ordinansa.

Pero tiniyak ni Roque na makikiisa ang tatlong lungsod sa iba pang lugar sa NCR sa unified curfew.

Muling nilinaw ni Roque na hindi pa rin pinapayagan ang pagbubukas ng mga gyms, internet cafes at review centers sa Metro Manila at karatig lalagiwan na nasa general community quarantine.

Habang pinapayagan naman ang mass gathe­rings kabilang ang mga religious activities pero hindi dapat lalampas sa 10 tao ang dadalo.

Maaaring magbukas ang mga salons pero ang maximum capacity ay itatakda ng local government units (LGUs) at ang kapasidad din ng mga magbubukas na restaurants ay itatakda ng mga LGUs.

CURFEW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with