Bakuna ng Russia at China ‘di libre - Duterte
MANILA, Philippines — “Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive then I will ask the --- my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line but we will pay not in one payment but by installments. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinasalamatan ang dalawang pangulo sa pag-aalok ng vaccine at bibilhin ng Pilipinas ito pero kung mahal ay hihilingin niya kina Putin at Xi Jinping na ipautang ito sa Pilipinas at babayaran na lamang ng hulugan dahil hindi maaaring matuklasan ang bakuna ng walang gastos.
Muli ring binanggit ni Duterte na ang tanging makakapagsalba lamang sa sangkatauhan mula sa virus ay ang matutuklasang vaccine.
Idinagdag ng Pangulo na sasabihin niya sa mga lider ng Russia at China na kulang sa pera ang Pilipinas dahil sa ekonomiya na katulad ng mga bansa sa mundo ay naapektuhan ng COVID-19.
- Latest