^

Police Metro

Jobless Pinoy sumampa sa 27.3 milyon — SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa resulta na inilabas ng Social Weather Stations’ national mobile phone survey nitong Hulyo 3-6 ay halos kalahati ng Filipino adults, o nasa 27.3 milyong indibidwal ang walang trabaho o 45.5 percent dahil sa CO­VID-19 pandemic.

Katumbas ito ng 28-point increase mula sa 17.5 percent noong December 2019, at bagong record-high simula noong March 2012 na 34.4 percent.

Noong December 2019, inireport ng SWS na 7.9 milyon Filipinos ang walang trabaho. Na­ngangahulugan na simula noon ay 19.4 milyon Pinoy na ang naging unemployed.

Ayon pa sa survey, 21% ng adult Filipinos ang nawalan ng trabaho o pagkakakitaan sa kasagsagan ng pandemic habang panibagong 21% ang nawalan ng hanapbuhay o livelihood bago ang pandemic.

Sa Metro Manila, na sentro ng ekonomiya, ang jobless rate ay lumobo sa 43.5 percent noong July mula sa 15% noong December 2019.Tumaas din ang jobless rate sa Luzon sa 45.2% mula sa 17.3% noong December 2019.

Sa Visayas, ang jobless rate ay tumalon sa 46.6% noong July mula sa 15.7% noong December ng nakaraang taon. Tumaas din ito sa Mindanao, sa 46.5% mula sa 20.7% noong katapusan ng 2019.

Related video:

JOBLESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with