Kaso ng online scams muling tumaas

Kaya’t nagbabala si National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge Eric Distor sa publiko sa mga scammer na gumagamit ng mga pekeng website o link, online selling, mga nagpapanggap na kawang-gawa o nanghihingi ng donasyon, investment scam, phishing o pagkuha ng personal na impormasyon at paggamit ng mga mobile applications.
STAR/File

Publiko binalaan ng NBI…

MANILA, Philippines — Ngayong panahon ng pandemya kung saan lumago ang industriya ng online selling, online bank transactions at paggamit ng online application ng pamahalaan sa pagkuha ng ayuda ay tumaas naman ang mga kaso ng online scams.

Kaya’t nagbabala si National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge Eric Distor sa publiko sa mga scammer na gumagamit ng mga pekeng website o link, online selling, mga nagpapanggap na kawang-gawa o nanghihingi ng donasyon, investment scam, phishing o pagkuha ng personal na impormasyon at paggamit ng mga mobile applications.

Nagpaalala rin si NBI Cybercrime Division head Victor Lorenzo sa publiko na huwag na huwag ibibigay ang kanilang mga one-time PIN kaninuman dahil hindi umano ito hinihingi ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) na gumagamit ngayon ng mobile money transfer application sa pami­migay ng ikalawang tranche ng Special Amelioration Program (SAP) at maging ang mga bangko.

Sa online selling, dapat din umanong magduda kung nagmamadali ang seller na maipadala ang bayad sa kanilang item kahit wala pang natatanggap ang buyer.

Dahil sa pagiging mandatory ng paggamit sa mga pampublikong transportasyon at mga opisina, tumaas ngayon ang pangangailangan sa face shield na ginagamit ng mga scammer sa panloloko sa mga negosyante na gustong magtinda nito sa pamamagitan ng pag-aalok ng bultuhang suplay ngunit hindi na magpapakita kapag naibigay na ang bayad.

Maaaring isumbong ng publiko ang mga hinihinalang scam o kung nabiktima ng mga online scammers sa kanilang hotline na (08) 523-8231.

Show comments