1,502 cell tower applications aprub na sa LGUs

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,502 ang naaprubahang aplikasyon ng pagtatayo ng cell site sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging public address nito kamakalawa ng gabi.

Anya sa kabuuang 1,930 na nakabinbing aplikasyon ay 428 na lamang dito ang hindi pa naaprubahan.

“So bale 80 LGUs. Total po ay 1,930 applications. Na-approve na po ay 1,502. Ang natira na lang po ay 428 na pending application at ito po ay babantayan namin para siguradong hindi po magtatagal,” ayon sa Kalihim.

Ang pagkakaapruba sa naturang mga aplikasyon ay dahil sa pinasimpleng proseso sa ilalim ng joint memorandum na nilagdaan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang pagaanin at bawasan ang mga requirements na hinihingi sa mga telcos na nais magtayo ng cell sites. — Malou Escudero

Show comments